Pag-atake ng peste sa niyog sa Batangas, 6% lang

INIHAYAG kaninang umaga (Hunyo 11) ni Philippine Coconut Authority (PCA) Administrator Euclides G. Forbes na taliwas sa naunang naiulat sa mga pahayagan, anim na porsiyento lamang ng kabuuang naiprodyus na niyog sa Batangas, ang napeste ng coconut scale insect.

Batay sa ulat, sa kabuuang niyugan na 34,932.7 ektarya at nasasakop ng 34 munisipalidad, siyam lamang dito na may kabuuang lawak ng niyugan na 2,054.46 ektarya o anim na porsiyento ang apektado ng pag-atake ng scale insect.

Nasa 74 lang din ng 1,078 barangay na may niyugan ang apektado ng peste.

Inatasan na ni Administrator Forbes ang mga field personnel na patuloy na umaksyon upang maiwasang maging epidemya ang pag-atake ng peste at hindi na umabot pa sa mga kalapit na probinsiyang Laguna at Quezon.

Nagkakasa na ng mechanical at biological control measures ang kinauukulan kaugnay nito at sa mga mura pang puno ng niyog, nakokontrol ang scale insect sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga ito o pag-spray ng tubig na may sabon.

Maaari ring hugasan ang mga parte ng puno o magsagawa ng brisk wash spray gamit ang tubig para makatulong sa pagbawas ng populasyon ng mga peste, lalo na sa maliliit na infestations at sa mga mura pang niyog.

Nagsasagawa rin ng leaf pruning para matanggal ang mga bahagi ng tanim na sinira na ng peste at masunog.

Bilang hakbang na bahagi naman ng biological control measures, nagpakawala na ang awtoridad ng mga predators na ilalaban sa mga peste. Sampung kulungan ng mga predators ang inilagak na sa komunidad.

Tinatayang nasa 20,000 hanggang 60,000 predators at batay pa sa ulat na natanggap ni Forbes, nagpapakita na ang mga puno ng senyales na ang niyog ay nakakabawi na sa pananalasa ng peste.

Kinikilala ng administrador ang iba pang ahensiya na tumutulong sa pagsawata ng coconut scale insect tulad ng Bureau of Plant Industry (BPI) Plant Quarantine Service (PQS), Department of Agriculture – National Crop Protection Center (DA-NCPC) at Southern Tagalog Integrated Agricultural Research Center (STIARC).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply