Pag-chopchop sa Ampatuan Massacre witness kinondena

KINONDENA ngayon ng National Press Club ang pagpaslang sa isang mahalagang witness laban sa mga Ampatuan sa Maguindano Massacre.

Sinabi ni Benny Antiporda, pangulo ng NPC, na dapat magkaisa ang lahat sa pagbabantay laban sa mga Ampatuan na kahit nakakulong na ay kitang-kita pa rin ang kapangyarihan upang ipawalang-halaga ang paghahanap ng katarungan ng mga biktima.

Dapat din umanong pabilisin ng hukuman ang paglakad ng katarungan upang hindi manganib nang tuloy-tuloy ang mga testigo at biktima.

Nitong nagdaang araw, natagpuan ang katawan ni Esmail Amil Enog na nakasilid sa sako at pinaniniwalaang pinagkakatay ang kanyang katawan sa pamamagitan ng chain saw.

Matatandaang isang paraan ng pagpaslang umano ng mga Ampatuan ang paggamit ng chain saw.

Noong Abril 2012, inihayag ni Enog sa hukuman na nagsilbi siyang drayber ng isang sasakyan ng mga Ampatuan para ihatid sa massacre site ang mga armadong tauhan ng mga ito para isagawa ang nasabing masaker.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply