Pag-IBIG Fund pinagkukwartahan

ANG katiwalian ng head ng acquired assets section ng Pag-IBIG/HMDF ang ibubulgar natin ngayon sa espasyong  ito.

Pinaiimbestigahan ng mga taga-Northgate Executive Park, Sto. Cristo, San Jose, Bulacan sa tanggapan nina Presidente Noynoy Aquino at Vice President Jejomar Binay ang katiwalian ng isang Mrs. Vivian Mayo na direct contact umano ng opisyal sa acquired assets section ng Pag-IBIG.

Ayon sa source, hinihingan umano ni Mayo ng down payment na halagang P70,000 ang sinomang gustong magkabahay sa Northgate Executive Park.

Basahin natin ang detalye ng nasabing katiwalian.

Good day po, Sir Johnny. Hinihiling po namin sa ating Presidente Noynoy at VP Jejomar Binay na paimbestigahan itong katiwalian ng head ng acquired assets section ng Pag-Ibig-HMDF na siyang direct contact ni Mrs. Vivian Mayo.

Sinomang gustong magkabahay ay hinihingan niya ng downpayment na P70,000 para makakuha ng unit dito sa Northgate Executive Park, Sto. Cristo, San Jose del Monte, Bulacan.

May ni-reserve akong unit subalit hindi ako nagbigay ng malaking halaga kay Mrs. Mayo. Ipinasa niya ang unit sa kanyang kliyente sa pamamagitan ng connection niya sa head ng Acquired Assets ng Pag-IBIG FUND. Marami rito sa amin ang magpapatunay sa katiwaliang ito sa aming subdivision. Lubos kaming umaasa sa inyong tulong.

Matibay sa dilang matibay

Napakalakas ang puwesto piho na color game ni Dante Balweg sa Mabalacat, Pampanga. Hindi matibag dahil sa kapit na matibay sa Pampanga.

Grabe! Halos bata at matanda ay nagugumon na sa pagsusugal sa puwesto piho ng color game ni Dante Balweg.

Anoman ang reklamo mangyari ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply