Pag-iisyu ng LTO ng lisensiya paralisado

PANSAMANTALANG paralisado ngayon ang operasyon ng pag-iisyu ng lisensya ng mga driver sa lahat ng Land Transportation Office sa buong bansa.

Ito ang kinumpirma kahapon ng may libong kliyente na nakapila sa mga LTO  office na sinabing hindi nila alam ang problema.

Kinumpirma rin ng lahat ng hepe ng LTO-License Office ang ulat kasunod ng reklamo na kanilang natatanggap sa kani-kanilang mga tanggapan.

Aminado si LTO Executive Director Atty. Alfonso Tan na nakararanas ngayon sila ng problema sa sistema na inaasahan nilang posibleng maayos din agad.

Ani Tan, gumagawa sila ng paraan  upang mapanumbalik ang serbisyo ng LTO sa mahigit libo nilang kliyente na dumaragsa sa kanilang tanggapan araw-araw upang magpa-renew ng kanilang lisensya.

Magkagayunman tumang-gi naman si Tan na ihayag ang sinasabing problema tungkol sa sistema ng issuance ng lisensiya ng mga professional at non-professional.

Dahil dito iniutos  ni Transportation and Communications Assistant Secretary at LTO Chief Virginia Torres na linawin kung ano ang tunay na problema kasunod ng nakuha niyang impormasyon na nagkaroon ng problema sa pagitan ng mga contractor ng driver’s license card na umano’y pinalitan ang porma nito na hindi man lang inabisuhan ang kanyang tanggapan.

Batay sa ulat, hindi umano nagtutugma ang de-talye ng mga security mea-sure ng bagong ID card sa dating sistema sa kanilang  computers at printers na gi-nagamit ng LTO-License Of-fices sa buong bansa.

Dahil dito dismayado ang libo-libong mga kliyente ng LTO matapos sabihan na magsibalik na lamang kinabukasan hangga’t hindi natatapos na makumpuni ang sistema.

Ayon naman sa mga kliyente na nakararanas ng problema, ang mga aplikante ng bagong lisensya ang higit na nagkakaproblema at hindi ang mga nagre-renew.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply