Pag-ulan mararanasan hanggang weekend

INAASAHANG magpapatuloy pa hanggang weekend ang mga nararanasang pag-ulan dahil sa dalawang weather system na umiiral sa bansa.

Namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang shallow low pressure area sa layong 100 kilometro sa katimugang Mindanao.

Ang nasabing sama ng panahon ang nagpapaulan sa Mindanao, partikular na sa Southern Mindanao at Zamboanga provinces.

Pinagiibayo din ng bagyo (international name: “Guchol”) sa may bahagi ng Pacific Ocean ang epekto ng Habagat, na siyang nagpapaulan sa Visayas, Western at Southern Luzon, kasama ang Palawan, Mindoro at maging sa Metro Manila.

Si “Guchol” ay nasa layong 1,665 kilometro sa silangan ng Surigao City, na may taglay na lakas ng hangin na 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot ng 85 kilometro kada oras.

Sakaling hindi mag-iba ng direksyon at tuluyang makapasok sa Philippine area of responsibility si guchol, tatawagin itong bagyong Butchoy.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply