Pag-upo ni Miriam sa ICC tinutulan

DINEPENSAHAN ni Senate President Juan Ponce Enrile ang ginagawang petisyon ng mga Pinoy sa internet para tutulan ang pag-upo ni Senadora Miriam Defensor-Santiago sa International Criminal Court.

Ayon kay Enrile, ayaw niyang pakialaman ang apela ng nasabing grupo dahil inirerespeto niya ang naging asal ni Santiago sa katatapos na impeachment trial kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ipinaliwanag ni Enrile na kapag nasa loob ng korte ay talagang mainit ang balitaktakan at karapatan ng bawat senator-judge na magpahayag ng kanyang opinyon kahit na pasigaw dahil sa binibigyang-diin lang nito ang kanyang ibig sabihin.

Iginiit ni Enrile na alam niya na matalino si Santiago kaya hindi na gagawin ng senadora ang kanyang naging ugali sa impeachment trial kung ito ay magtatrabaho na sa International Criminal Court (ICC).

Sinabi ni Enrile, mas istrikto ang rules sa ICC dahil hindi kagaya sa sistema ng impeachment trial na pwedeng tumindig at magbigay ng opinyon ang isang senator-judge.

Binalewala naman ni Santiago ang panawagan ng mga Pinoy na galit sa kanya dahil black propaganda lang ito laban sa kanya.

Ani Santiago, walang puwang ang ganitong uri ng mga petisyon sa ICC dahil hindi nila ito pinapansin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply