Pagbaba ng presyo ng langis, ikinatuwa ng ALAM

LABIS nas ikinatuwa ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) ang patuloy na pagbaba ng presyo ng langis sa international market.

Ayon kay ALAM Chairman Jerry Yap, inaasahang hanggang sa susunod na linggo ay patuloy na bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo kaya bababa rin ang presyo ng langis sa bansa.

Dahil dito, patuloy umano nilang isusulong na mabawasan ng P2 ang minimum fare na P8 upang makinabang naman ang masa.

Ito na ang ika-11 rollback ng produktong petrolyo, kaya P7.77 kada litro na ang natapyas sa presyo kada litro ng gasolina at P7.06 kada litro ng diesel.

Gayunman, nangangamba si Department of Energy (DoE) Secretary Jose Rene Almendras na baka kung gaano kabilis bumaba ngayon ang presyo ng langis ay siya ring bilis ng pag-akyat nito sa nga susunod na araw.

Ayon naman kay ALAM President Berteni Causing, sa kabila ng pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado, nagbabanta naman ng pagtataas ang singil sa kuryente sa buwan ng Hulyo.

Ani Causing, hindi dahilan ang pagsasara ng Malampaya natural gas facility (MNGF) noong Hunyo 13 para tumaas ang singil sa kuryente.

Matatandaang nakaranas ng technical problems ang MNGF noong Hunyo 9 at 10 na nagresulta sa paggamit ng mas mahal na panggatong sa Sta. Rita at San Lorenzo power plants.

Ani Causing, hindi gaanong napapakinabangan ng bansa ang MNGF kaya kung makaapekto man ito, dapat ay bahagya lamang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply