Pagbaba sa rango ng mga unibersidad sa Pinas, hamon sa mga institusyon, gobyerno

SINABI ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay na ang pagkakaroon ng limang unibersidad na napasama sa listahan ng pinakamahuhusay na pamantasan sa Asya batay sa talaan ng education network na Quacquarelli Symmonds’ ay isang positibong indikasyon para sa imahe ng education system sa bansa.

Ang pagpasok din University of Southeastern Philippines mula sa Davao ay isang magandang balita kumpara sa mga mga naglalabasang negatibong balita tungkol sa Mindanao.

Kaya lamang, apat sa mga pambato ng Pilipinas ang bumaba sa rango mula sa kanilang standing noong nakaraang taon. Ang University of the Philippines ay bumaba sa ika-68 na bilang mula ika-62; Ateneo de Manila ika-86 mula ika-65; De La Salle University ika-142 mula ika-107 and University of Santo Tomas ika-148 mula 104.

“Ang pagbaba ng rango ng mga unibersidad sa Pilipinas ay maaring dulot ng tumitinding kompetisyon at paglakas  ng suporta ng gobyerno upang palakasin ang kanilang programang pang edukasyon sa ibang bansa. Kung gayun ay dapat din nating sabayan ang pagpapalakas ng ating mga programang pang edukasyon upang lalong makapagpatapos ng mga de kalibreng graduates na kayang makasabay sa global arena,” aniya.

“Hindi pwedeng maging kampante lamang ang mga institusyon sa ating bansa kung nasaan sila. Dapat ay alam din nila kung anong mga inobasyon ang ginagawa ng ating mga karatig bayan sa Asya at tiyakin na hindi tayo mahuhuli.”

Ani Magsaysay, ang rankings ay dapat maging hamon at motibasyon upang pag ibayuhin ang ating pagsisikap na gawing pangunahing prayoridad ng mga institusyon at pamahalaan ang karunungan, upang lalong mahasa ang kagalingan ng mga bagong henerasyon ng mga estudyanteng mas malawig ang kasanayan sa iba’t ibang larangan maging sa teknolohiya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply