Pagbabawas ng flights sa airport, kinatigan ng DOT

KINATIGAN ng  Department of Tourism (DOT) ang panukala na bawasan ang bilang ng mga international flights sa mga pambasang paliparan.

Ayon kay Tourism Secretary Ramon Jimenez, layon nitong tulungan ang mga nasimulan ni Transportation Secretary Mar Roxas upang tutukan ang pagpapaganda sa serbisyo ng mga paliparan.

Batay sa ulat, nagsisiksikan na ang mga eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa datos ng Department of Transportation and Communications (DOTC), lumobo ang bilang ng commercial airplanes mula 62 noong 2008 na naging 119 ngayong 2012.

Ngunit tiniyak naman ni Jimenez na hindi ito makaapekto sa pagdating ng mga turista sa bansa.

Nauna na rito, pumayag na rin ang ilang mga airline companies sa re-scheduling ng kanilang mga flights at ilagay sa off peak hours upang makabawas sa dami ng mga eroplanong lumalapag at lumilipad sa mga pambansang paliparan

Lilimitahan rin sa isang flight ang lahat ng tourism flights kada kumpanya mula alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Sa kasalukuyan, walang limitasyon ang mga tourism flights. Makatitipid ng dagdag na 5-7 flights kada araw ang MIAA kung maipatutupad ito.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply