Pagbawi ni Palatino sa ‘Ban God bill’ ikinatuwa

IKINATUWA ng Simbahang Katolika ang pagbawi ni Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino sa inihaing Ban God Bill o House Bill 6330.

Ayon kay Jaro Archbishop at dating CBCP President Archbishop Angel Lagdameo, pinupuri nito ang pag-urong ng Kongresista sa anti-god bill nito dahil hindi naman dapat aniya i-ban ang Diyos sa alinmang lugar.

“Salamat naman! kasi naman “copy cut” lang yan sa Amerika.Isang mapanlinlang na panukalang batas.Kasi nga religious freedom daw ngunit nagbabawal ng expressions of religious beliefs,” wika naman ni incoming San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari.

Maging si Antipolo Auxiliary Bishop Francis de Leon ay natuwa rin sa ginawa ng Kongresista matapos ang maraming pagbatikos sa kanyang panukala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply