Pagbisita sa Hundred Islands ipinagbawal muna

BAWAL munang pumunta ngayon ang mga turista sa Hundred Islands sa Lucap Alaminos City, Pangasinan.

Sinabi ni Tourism Officer Mike Sison, na ipinagbabawal muna ang pamamasyal sa mga isla dahil sa pagpasok ng tag-ulan at dahil sa sama ng panahon.

Ito aniya ay upang maiwasan na malagay sa panganib ang mga turista na nais magtungo sa mga isla.

Dahil dito, aasahan ang pagbaba ng tourist arrival ngayong Hunyo.

Sa ngayon ay 5,000 ang naitalang tourist arrival sa lungsod, mas mababa sa 7,000 na naitala noong 2011.

Inaasahan naman nilang tataas ito sa oras na maaari nang makapamasyal sa mga isla.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply