‘Pagbusal’ sa mga kritiko ni PNoy inalmahan

WALANG balak ang Malakanyang na busalan ang mga kritiko ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas, maluwag nilang tinatanggap ang kritisismo mula sa lahat ng sektor.

Sa katunayan ay pinabulaanan ni Llamas ang ulat na mayroon siyang isang staff member na nagngangalang ‘Zuniga’ kung saan ay napaulat na nagtangkang impluwensiyahan si retired Archbishop Oscar Cruz na batikusin ang administrasyon.

Sa ulat, sinabi ni Cruz na mayroong staff Llamas si na nagtangkang lapitan  si dating jueteng whistle-blower Sandra Cam para alamin kung paano siya patatahimikin.

Ang retiradong Arsobispo ay matagal ng kritiko ng Aquino administration partikular na ang kabiguan ng pamahalaan na mapahinto ang illegal numbers game na jueteng at suportahan ang population control programs na hayagan namang sinalungat ng Simbahang Katoliko.

Sinabi ni Llamas na mataas ang kanyang respeto para sa naturang Arsobispo at ang adbokasiya nito na  pro-poor at pinaniniwalaan na hindi kailanman maiimpluwensiyahan si Cruz ng kahit na sinuman dahil sa matatag na posisyon nito sa usapin ng national interest.

“We will never try to influence them because constructive criticisms lie at the heart of our democracy and play an important part in rebuilding our nation,” ani Llamas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply