Pagdinig sa mosyon ni CGMA kontra testigo, naudlot

NABIGONG dinggin ngayong araw sa Pasay Regional Trial Court (RTC) Br.112 ang mosyon ng abogado ni dating pangulong Gloria Arroyo na naglalayong ipabasura ang mga testimonyang iprinisinta ng tatlong testigo ni dating election supervisor Lintang Bidol na inadopt ng mga abogado ng comelec.

Ayon kay Felda Domingo, tagapagsalita ng Pasay RTC Br. 112, hindi nga dininig ngayong araw ang motion to expunge na inihain ng abogado ni Arroyo na si Atty. Ray Montri Santos na kanyang inihain noong Miyerkoles.

Paliwanag ni Domingo, kasalukuyan ngayong dumadalo si Judge Jesus Mupas sa isang seminar ng mga judges ng Metro Manila sa Tagaytay City, kaya denied ang kahilingan ng kampo ng abogado ni Arroyo na magkaroon ng hearing ngayong araw hinggil dito.

Nais ng kampo ni Gng. Arroyo, ipatanggal ang mga testimonyang iprinisinta ng tatlong testigo ni Bidol noong Huwebes dahil sa nagkaroon na anya rito ng resolusyon ang korte sa formal offer of evidence ng comelec, kaya ang anumang karagdagang ebidensya, ay matuturing na wala na sa panahon.

Ipinaliwanag naman ni Domingo, lahat ng ebidensyang naiprisinta sa korte kaugnay ng petition to bail ng mga akusado sa electoral sabotage, bagaman may pagtutol sa panig ng depensa ito ay tinanggap ng korte bilang bahagi lamang ng testimonya ng mga testigo.

Matatandaan, binigyan ng 15 araw ang panig ng depensa at prosekusyon para magsumite na ng kanilang memorandum mula noong araw ng Martes, bago naman magpalabas ng resolusyon ang Pasay RTC sa kahilingang makapagpiyansa sina Gng. Arroyo, Bidol at dating Maguindano Gov. Andal Ampatuan Sr.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply