Pagdiriwang ng Independence Day magiging maulan

SAKABILA ng nararanasang mainit na panahon sa Metro Manila at ilang bahagi ng bansa inaasahan ang pag-ulan bukas sa Independence Day (Hunyo 12, 2012) sa ilang bahagi ng bansa, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

At kahit walang iniulat na paparating na sama ng panahon sa Philippine area of responsibility, sinabi ng weather forecasters na ang southwest monsoon ay kasalukuyan nakakaapekto sa Hilagang Luzon at magdadala ng pag-ulan kabilang sa Kamaynilaan.

Ayon pa sa Pagasa indikasyon din ito na magkakaroon ng pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ngayong celebrasyon ng Independence Day at pinapayuhan ang publiko na dadalo sa parade ng aktibidades ng 114th Independence Day na magdala ng payong dahil sa posibleng pag-ulan.

Inaasahan din na ang Metro Manila ay magkakaroon ng temperature na 24 hanggang 32 degress Celsius bukas (Martes).

Ilan din pangunahing lungsod ang inaasahang magiging maulap ang papawirin at magdadala ng pag-ulan pagkulog at pagkidlat  ang mga lugar ng Laoag City (Ilocos Norte), 23-30 degrees; Baguio City , 14-21 degrees; Subic (Zambales) and Clark (Pampanga), 24-31 degrees; and Metro Davao , 25-34 degrees.

Habang ang Hilagang Luzon ay makararanas ng maulap na papawirin at pagulan at pagkidlat at ang ilang bahagi ng bansa ayon pa sa ulat ng Pagasa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply