Pagdukot sa Jordanian journalist, 2 crew may kinalaman sa eleksyon

POSIBLE umanong  may kinalaman sa nalalapit na eleksyon ang paglutang ng balitang humihingi ng $50 milyon ransom ang mga may hawak sa nawawalang Jordanian journalist at dalawang Pinoy crew.

Ayon kay Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo posibleng may kaugnayan din sa pulitiko o sa nalalapit na election ang paghingi ng ransom ng mga kidnappers kaya naman dapat, aniyang, iwasan ng gobyerno ang ganitong pagkakataon.

“Well, iyon ang ini-iwasan natin yong pagbabayad ng ransom. Kaya nire-reiterate natin ang “no ransom policy” in order to discourage this kind of what they call added industries, “ ayon pa sa Obispo.

“Well maraming accusation na  ganyan na parts of politics. Money is needed for the coming election so we do not point anything but mga talks like that ay kumakalat din,” sabi ni Bishop Bagaforo.

Kasabay nito, pinag-iingat Bagaforo ang mga dayuhan sa pagpunta  sa Mindanao  kasunod ng naganap na kidnaping sa Jordanian journalist at crew nito.

Aniya, mapanganib para sa mga dayuhan na magtungo sa mga lugar  tulad na lamang sa Mindanao dahil malapit sila sa kidnapping.

Hinimok ng Obispo ang gobyerno napairalin ang  no ransom policy sa  sinasabing kidnapping  ng jornadanian journalist at crew nito na umanoy dinukot ng ASG.

Binigyan diin din ng Obispo na posibleng may kaugnayan din sa pulitiko o sa nalalapit na election ang paghingi ng ransom ng mga kidnappers kaya naman dapat, aniyang, iwasan ng gobyerno ang ganitong pagkakataon .

Dapat din, aniyang, makipag-uganayan agad sa local authorities o non-governmental organization sa lugar upang malaman kung anong hakbang ang maaring gawin  sa oras ng balag ng alanganin.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply