Paggamit ng ‘biodiesel’ hindi pa aprubado – DoE

HINDI pa naaaprubahan ng pamunuan ng Department of Energy (DOE) ang paggamit ng “biodiesel” na nagmula sa mga “used” cooking oil sa pagpapatakbo sa mga sasakyan sa bansa kahit na nasubukan na ito ng isang grupong transportasyon.

Ayon kay DOE Undersecretary Jose Layug na kailangan munang makapasa sa “minimum criteria” ng Philippine National Standards (PNS)” bilang alternatibong fuel ang biodiesel buhat sa “cooking oil” bago ito gamitin at ipakalat sa merkado.

Ito’y makaraang unang ihayag ng grupong Pangkalahatang Sanggunian Manila Suburbs Drivers Association (Pasang Masda) sa pangunguna ni Obet Martin, na nakalikha sila ng isang uri ng “biodiesel” buhat sa nakalap nilang mga gamit na mantika.

Kanilang ginamit ito sa sariling mga sasakyan na naging matagumpay na ay luminis pa ang buga ng kanilang sasakyan bukod pa sa malaki ang kanilang natipid.

Sinabi naman ni Layug na kung hindi pa ito nasusuri ng husto, maaaring makasira pa sa mga makina ng sasakyan ang naturang bio-diesel.  Tiniyak naman ni Layug na patuloy ang pag-testing nila sa iba’t ibang uri ng biodiesel kabilang ang nalikha ng grupo ng Pasang Masda para maipalit sa mahal na inaangkat na imported na diesel

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply