Paggamit ng PCOS sa 2013 aprub kay PNoy

NAPAHAYAG ng matinding pagsuporta si Pangulong Benigno Noynoy Aquino sa paggamit ng mga precinct count optical scan (PCOS) machines sa 2013 senatorial elections.

Ayon sa Pangulo, napatunayan na ang kredebilidad ng mga PCOS machine na hindi nagamit sa pandaraya ng sinumang mga politiko.

Hinimok din ng Pangulo ang Commission on Elections (Comelec) na siguruhing hindi na babalik pa sa mano-mano ang halalan sa 2013 sa kabila ng mga tinatanggap nitong batikos.

Magugunitang si Pangulong Aquino ang kauna-unahang Pangulo na nagwagi sa halalan noong 2010 gamit ang mga PCOS machins.

Bagama’t suportado ni Pangulong Aquino, ang paggamit ng PCOS, naalarma naman ito sa mabagal na usad ng Korte Suprema hinggil sa nakabinbing pagkuwestyon sa pagbili ng Comelec ng 80,000 mga PCOS machine mula sa kompanyang Smartmatic-Tim na nagkakahalaga ng P1.8 bilyon.

Nangangamba si Pangulong Aquino na maaaring mauwi sa isang trahedya sakaling maunsyami ang paggamit ng mga PCOS machines dahil hindi pa rin nareresolba ang talakayin sa High Tribunal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply