Paggamit ng plastic bawal na sa Kyusi sa Hulyo

IPAGBABAWAL na sa susunod na buwan (Hulyo) ng pamahalaang lungsod ng Quezon ang paggamit ng plastic at styrofoam sa mga lokal na tanggapan, establisimyento at sa loob ng mga ospital sa lungsod.

Ito’y matapos aprubahan ang City Ordinance No. SP-2127, S-2012 sa konseho na nagbabawal sa paggamit ng plastic at styrofoam sa paligid ng Quezon City Hall Complex, Novaliches District Center, Quezon City General Hospital at Novaliches District Hospital dahil sa panganib sa kalusugan ng mga ito.

Ayon sa city ordinance masama umano sa kalusugan ng tao ang paggamit ng plastic at styrofoam dahil kabilang ito sa mga materyales na non-recyclable at non-biodegradable at hindi basta natututunaw.

Layunin din ng ordinansa na makatulong sa pagpapatupad sa pangangalaga sa ating kalalikasan.

Bunga nito tiniyak naman na ang Environmental Protection and Waste Managament Department (EPWMD) ang bahala sa pagpapalabas ng mga implementing rules and regulations na nakapaloob sa naturang ordinansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply