Paggawa ng 4 flyover sa MM posibleng magsabay-sabay

MAY posibilidad na magsabay-sabay ang paggawa ng apat na malalaking flyover projects sa Metro Manila partikular sa Quezon City.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga local government unit (LGU) kung maaaring pagsabay-sabayin ang konstruksyon ng mga flyover sa EDSA Roosevelt, EDSA West Avenue, C-5 Green Meadows at Mindanao Avenue at upang malaman ang implikasyon nito.

Nabatid na nakikiusap na ang DPWH na umpisahan na ang mga naturang proyekto upang maisaayos na umano ang trapiko sa Metro Manila at mapabuti na rin ang daan partikular na sa Quezon City.

Kung magpapatuloy pa umano itong nakabinbin, maaaring lumobo pa ang presyo ng pagpapagawa ng naturang proyekto.

Kinokonsidera rin ang posibleng lalong pagsisikip ng trapiko sakaling sabay-sabay na isagawa ang mga flyover.

Kasalukuyang nagsasagawa ng mga pagpupulong ang mga opisyal para madesisyunan at masolusyunan ang mga implikasyon ng kanilang magiging hakbang.

Tinatayang dalawang taon o higit pa bago matapos ang konstruksyon kung ito ay masisilmulan na kung kaya maglalatag aniya sila ng epektibong traffic management plan para maibsan ang problema sa trapiko ng mga motorista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply