Paggunita sa int’l day vs drugs pangungunahan ng DDB

PANGUNGUNAHAN ng Dangerous Drugs Board ang paggunita sa International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) sa June 26.

Sa pamamagitan ng tema ngayong taon na “Kalusugan ay Kayamanan, Droga ay Iwasan” pandaigdigang tema ng IDADAIT magiging kaagapay ng DDB sa gagawing pagdiriwang   ang Quezon City Anti-Drug Abuse Council (QCADAC) at Inter-Agency Council on Drug Abuse Prevention Education (IAC-DAPE) sa pag-organisa ng mga aktibidad upang bigyan ng kahalagahan ang pag-iwas ng bawat isa sa pag-aabuso sa iligal na droga at mamuhay ng malusog.

Nanawagan si DDB Chairman Secretary Antonio A. Villar, Jr. sa lahat ng mamamayan at mga organisasyon at komunidad para kilalanin ang kanilang magiging responsibilidad sa advocacy ng gobyerno kontra iligal na droga.

Kabilang sa maghapong aktibidad na gagawin  sa Quezon City Memorial Circle kabilang ang mga  Balik Larong Pinoy, Amazing IDADAIT Race, interschool cheerleading competition, at Seminar-Workshops on First Aid and Basic Life Support.

Magsisilbing isa pang programa ang paglulunsad ng kampanyang “Sa Droga, Talo Ka!” na layunin na mabuksan ang isipan ng bawat mamamayan ukol sa masamang idudulot ng paggamit ng iligal na droga.

Isang “infomercial” ng DDB at Department of Health (DOH) ang mapapanood ng kanilang taga suporta at kasapi mula sa ibat-ibang ahensiya at organisasyon miyembro ng ibat-ibang drug councils at mga kalahok sa ibat-ibang events ng IDADAIT .

Sinabi ni Asec. Benjamin P. Reyes, DDB Deputy Executive Director for Operations, layunin ng programa ay upang ipaalam sa ,mga tao lalo na mga kabataan ang masamang idudulot at mahahalagang mga bagay na dapat malaman at pahalagahan gaya ng pamilya , kalusugan , relasyon ang career at e edukasyon.

At upang maikalat ang mga impormasyon ay may plano ngayon ang DDBna maihatid ang infomercials sa radio at telebisyon at sa mga sinehan.

Alinsunod sa isang resolusyon 42/112 noong December 7, 1987, na inilabas ng United Nations General Assembly , itinakda ang ika 26 ng Hunyo kada taon bilang International Day against Drug Abuse and Illicit Trafficking.

Maliban sa anti-drug advocacy, gusto rin ng UNODC na palawakin din ang Blue Heart Campaign laban sa  Human Trafficking, isang kampanya na layong itaas ang kamalayan at suporta sa mga biktima ng human trafficking.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply