Paghuhukay sa kalyeng walang sira, inalmahan sa Pasay

BINATIKOS ng mga residente ng Pasay ang perwisyong dulot ng paghuhukay sa kalsadang hindi naman sira.

Sa hinaing ng mga residente, walang kasira-sira ang kanilang kalsada sa San Luis St., pero ipinahuhukay ang kalsada sa perimeter ng Headquarter s ni Jorge del Rosario.

Bukod sa paghuhukay, inihambalang pa diumano ng mga tauhan ni Pasay City Mayor Antonino Calixto ang mga naglalakihang bilog na semento na gagawin daw daanan ng imburnal.

Hinala ng mga residente na ang paghuhukay sa kalye sa naturang lugar ay isang taktika umano ni Calixto upang pahirapan ang mga nangangailangan ng tulong na magtungo sa Headquarters ni Del Rosario.

Si Del Rosario ay itinuturing na pinakamalakas na makatutungali ni Calixto na kandidto sa darating halalan.

Nananawagan ang mga residente kay Mayor Calixto na ‘wag silang idamay sa pagpapatupad ng lumang istilo ng mga politiko para lamang perwisyuhin ang kalaban sa politika.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply