Pagkakaawit sa Lupang Hinirang ni Kirby Asunto pasado– NHI

PASADO para sa National Historical Institute (NHI) ang pagkakaawit ng Filipino-American teen singer na si Kirby Asunto sa Lupang Hinirang sa Pacquiao-Bradley fight kahapon (Hunyo 10, petsa sa Pinas).

Ayon sa NHI, kahit medyo mabagal ang tempo ng pagkakakanta ni Asunto ay tama ang martsa nito.

Pinuri pa rin ng institusyon si Asunto at sinabi na kanilang nauunawaan ang mga kaunting pagkakamali ng Pinay Broadway star lalo na sa pagbigkas ng mga salitang Tagalog.

Magugunitang si Asunto ay personal na pinili ni Pacquiao na umawit ng Pambansang Awit sa kaniyang laban.

Si American Idol season 11 first runner up Jessica Sanchez ang umawit sa national anthem ng Amerika para sa panig ni African-American boxer Timothy Bradley.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply