Pagkawala ng pulis Maynila iniimbestigahan

PATULOY na iniimbestigahan ng Manila Police District –Homicide Section ang pagkawala ng isang pulis Maynila na umanoy nakitang binaril sa Isla Pting Bato noong Sabado ng gabi.

Ginawa ang imbestigasyon matapos na dumulog sa MPD General Assignment Section si Adelaida Albano-Panlilio upang ipa-blotter ang pagkawala umano ng kanyang asawang pulis na si SPO2 Teofilo Panlilio na nakatalaga sa District Headquarters Security Unit ng MPD.

Ayon sa ginang, nakatanggap siya ng impormasyon nang magtungo siya sa Purok Singko sa Parola Compound na dinala umano ang kanyang asawa sa Isla Puting Bato matapos itong dukutin sa isang videoke bar ng mga hindi nakilalang kalalakihan.

Binaril umano ng anim na beses ang kanyang asawa at isinakay sa bangka at dinala sa laot upang doon itapon.

Sinabi naman ni MPD-Homicide Section Sr. Insp. Joey de Ocampo, bagamat wala pa silang narerekober na bangkay na sinasabing sinalvage ang pulis ay patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply