Pagkawala ng testigo, CGMA makalalaya

DAHIL sa pagkawala ng testigo sa kasong electoral sabotage, posibleng makapagpiyansa at makalaya anomang araw si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung nadesisyunan ang bail petition nito sa Pasay City Regional Trial Court (RTC).

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes, dehado sila kung hindi napagbigyan ang paghaharap ng dagdag na testigo dahil sa biglaang pagkawala ng kanilang witness na si dating election officer Russam Mabang.

Nabatid na tanging testimonya ni Mabang ang nagko-corroborate sa akusasyon ni dating Maguindanao provincial administrator Nuri Unas laban sa dating Pangulo sa kasong electoral sabotage na nakasampa sa sala ni Pasay RTC Brnch 112 Judge Jesus Mupas.

Dahil dito, agad maghahain ng motion for extension ang Comelec para payagan silang makapagprisinta pa rin ng mga kinakailangang testigo.

Inamin naman ng poll body na nagpasaklolo na rin sila sa iba pang ahensya ng pamahalaan para matukoy ang tunay na sanhi ng pagkawala ni Mabang mula sa isang hotel kamakalawa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply