Pagkawala ng testigo vs CGMA bubusisiin

AGAD makikipagpulong si Justice Secretary Leila de Lima kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes upang talakayin ang isyu ng pagkawala ng testigong si election officer Russam Mabang para sa kasong electoral sabotage ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay De Lima, tatalakayin nila ng poll body chair ang mga isyung panseguridad ng mga testigo para sa mga kasong may kinalaman sa eleksyon.

Nais ng kalihim na maisailalim ang mga ito sa Witness Protection Program upang maiwasan ang pagkawala ng Comelec witnesses na posible umanong makaapekto sa mga kasong nakabinbin sa hukuman.

Matatandaang nabulabog ang Comelec matapos biglang naglaho si Mabang isang araw bago ang pagharap nito sa witness stand ng Pasay City Regional Trial Court.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply