Paglalaway ng singer/actress sa aktor ‘di umubra sa bading na manager

WALANG nangyari sa paglalaway ng singer/actress sa kagwapuhan ng magaling na aktor. Kamuntik pang ‘di matuloy ang kanyang project dahil dito. Isang kumpas lang ng baklitang manager ay agad na nahinto ang proyektong ginagawa ng aktor at ng una.

Hindi raw kasi magustuhan ni manager ang pag-iilusyon ng dalaga sa kanyang alaga. Kaya winarningan nito ang madaldal na mang-aawit. Aniya pa, itutuloy lang daw ang ginagawa nila kung pomormal ang hitad at tigilan ang pangarap nitong ma-churva siya ng talent niya.

Kaya nung mag-resume ang nasabing project, biglang nabago ang anggulo ng pinag-uusapan, nawala ang love angle sa pralala. Grabe!

Matindi pala ang badingding kung magselos. Konting kibot lang ng aktor ay agad na nakararating sa kaalaman ng manager. Kapag may inaaswang itong tsik, winawarningan agad ang talent n’ya.

***

Kiray Celis matulungin sa kapwa

NAKATUTUWANG malaman na ito palang si Kiray Celis ay napakabuting tao. ‘Yung tsismis na noon na madalas nitong kunin ang mga tira-tirang pagkain sa taping ng Mara Clara ay napupunta pala sa parking boy ng ABS CBN. Hindi naman nya dinadala sa kanilang bahay.

Nakausap namin ang naturang parking boy at talagang pinagmamalaki nito ang dalaga. Pati raw ang tatay nito na nagsisilbing driver ng una ay napakabait din sa kanya. Kaya nga raw naging malapit sa kanya ang batang komedyante ay dahil sa ama nito.

Maging yung cellphone na ginagamit ngayon ng kakwentuhan namin ay bigay daw ni Kiray. Naisip daw ng dalaga na bigyan siya ng gadget na ito para alam nito kung nandoon siya sa parkingan. Araw-araw daw kapag may taping sa ABS ang mabait na dalaga ay palaging may dala itong pagkain para sa kanya. Kung wala raw itong nakukuha sa loob, bumibili ito sa mga kalapit na restaurant para ibigay sa kanya.

Ang nasabing parking attendant ay taga Iloilo. Mag-isa lamang siyang namumuhay sa Maynila. Ang kanyang bahay ay nasa pagitan ng dalawang puno na nilagyan niya ng duyan at bubong na sako. Malapit lamang ito sa Kapamilya network, sa tabi ng kalsada.

***

‘Every Breath U Take’ nila Piolo at Angelica mapanonood na sa pay-per-view

MAAARI nang mapanood sa TV ang kapapalabas pa lamang na box-office hit movie na “Every Breath You Take” na pinagbibidahan nila Piolo Pascual at Angelica Panganiban.

Mula June 8 hanggang 30, pwede nang ma-enjoy ng SKY Cable subscribers ang nakakikilig at nakatutuwang love story nina Leo (Piolo) at Majoy (Angelica) sa pamamagitan lamang nang pag-subscribe sa pay-per-view service na ‘SKY Cable Season Pass’ sa halagang P200 lang para sa tatlong araw na panonood at P300 para sa pitong araw. Ang ‘SKY Cable Season Pass’ ay ang pinakabagong brand na hatid ng SKY Cable, ang no. 1 cable TV provider sa bansa. Huwag nang magpahuli sa natatanging TV premiere ng latest Star Cinema romantic comedy film na “Every Breath U Take,” mag-subscribe na sa ‘SKY Cable Season Pass.’ Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lang sa SKY Cable customer service hotline 381-0000 o mag-log on sa www.mysky.com.ph.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply