Marikina waterways pinalinis ni Mayor De Guzman

BILANG bahagi ng paghahanda ng lokal na pamahalaan ng Marikina sa biglaang pagbuhos ng ulan, agad na nagbigay ng paalaala si Mayor Del De Guzman sa City Engineering Office na ituloy ang agarang paglilinis sa mga daanan ng tubig at pag-aalis ng bara sa mga ito upang hindi kaagad magdulot ng pagbaha sa lungsod.

Ang paalalaala ay kanyang ibinigay kasabay ng pagtataas ng watawat ng mga kawani noong ika-25 ng Hunyo sa Freedom Park, Marikina City.

Ayon kay De Guzman, kasabay ng biglaang pag-ulan ay ang malakas na agos ng tubig mula sa bundok kung kaya ang tubig na umaagos ay mayroong kasamang putik na bumabara sa mga daanan ng tubig.

“Ang pagsama ng putik sa pag-agos ng tubig-ulan ay epekto ng pagkakalbo ng ating kabundukan. Ito ang dahilan kung bakit isinusulong natin ang pagpapayabong ng mga puno sa Marikina Watershed.

Subalit habang hindi pa ganap ang pagyabong na muli ng ating Marikina Watershed, pagbutihin muna natin ang paglilinis sa mga daluyan ng tubig nang sa ganoon ay malayang makadaloy ang tubig-ulan at maiwasan ang pagbaha,” wika ni De Guzman.

Sa tulong ng dalawang malaking sewer truck ay nagpapatuloy ang ginagawang declogging operation o pagtatanggal ng bara ng City Engineering Office sa lahat ng daanan ng tubig sa lungsod tulad ng kanal, creek, sapa, at drainage.

Bawat araw, hindi bababa sa walong grupo na binubuo ng apat hanggang limang katao ang umiikot sa lungsod upang mag-alis ng bara sa nabanggit na mga daanan ng tubig.

Sa bawat operation, tinatayang umaabot sa 200 cubic meters ang nakukuha sa dredging operation at umaabot naman sa 40 cubic meters sa declogging operations.

Kaugnay nito, nanawagan din si De Guzman sa lahat ng residente na maging masinop sa pagtatapon ng kanilang basura.

Bukod sa putik, maaari ring makasama sa agos ng tubig-ulan ang mga basurang hindi itinapon sa tamang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply