Paglilipat kay ‘Mali’ sa elephant sanctuary sa Thailand oks sa CBCP

MAGING ang maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay nakiisa na rin sa panawagang mailipat na sa sanctuary sa Thailand si Mali, ang 38-taong gulang na elepante sa Manila Zoo.

Sa liham na ipinadala ni CBCP president at Cebu Archbishop Jose Palma sa People for the Ethical Treatment of Animals (PETA), sinabi nito na dapat nang matakasan ng elepante ang matagal nang pagkainip at pagdurusa na dinaranas nito sa Manila Zoo.

“Mali might have a few years to live but these remaining years will be more expressive of man’s compassion towards God’s other creatures,” ayon pa kay Palma.

Nabatid na matagal nang nais ng PETA na mailipat si Mali sa sanctuary ng mga elepante sa Thailand kung saan may 14 pang elepante ang naninirahan.

Ipinanawagan na rin ito ni Morrissey, ang British ex-singer ng alternative rock group na The Smiths, nang magtungo ito sa Maynila.

Ayon kay Dr. Henry Melvyn Richardson, na siyang sumuri sa kalagayan ni Mali matapos imbitahin ng PETA, dumaranas ang elepante ng potentially fatal foot problem at kalungkutan.

Overweight din umanong bahagya si Mali dahil sa kakulangan ng espasyo para makapag-ehersisyo ito at nagkaroon na rin ng mga chronic pressure sores sa kanyang mukha at balakang dahil sa paghiga at pagtulog sa semento.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply