Pagmaltrato sa Pinay DH, iimbestigahan ng Syria

PINAGHAHANAP na ng pamahalaang Syria ang isang mamamayan nito na nagmaltrato umano sa overseas Filipino worker (OFW), batay sa ulat na tinanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ito ay matapos na makipag-ugnayan ang embahada ng Pilipinas sa Damascus sa Syrian Foreign Ministry at sa Interior Ministry upang masakote ang hindi kinilalang employer.

Batay sa ulat, bugbog-sarado ang katawan ng OFW na kinilala lamang sa pangalang ‘Fatima’ matapos na tumakas ito sa kanyang employer noong Mayo 29.  Hindi rin umano pinasahod ang household service worker.

Agad naman rumesponde ang pamahalaang Syria sa reklamo ng embahada at nagsagawa ng imbestigasyon.

Tiniyak din ng pamahalaang Syria na ipapaalam nito sa embahada kung saan nagtatago ang employer ni Fatima.

Dumating sa Syria ang OFW noong Nobyembre 2009 at nanilbihan ito bilang kasambahay sa Damascus.

Tiniyak din ng embahada ang pagbabalik sa bansa ni Fatima sa sandaling makakuha ito ng permiso na maari na itong sumakay ng eroplano at kung hindi na kailangan pa ang presensiya nito bilang nagre-reklamo sa isinasagawang imbestigasyon.

Sasagutin na rin ng embahada ang pamasahe ng OFW, gayundin ang pagbibigay ng konting pera sa minaltratong kabababayan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply