Pagong ipangtatapat vs knife fish

IPANGTATAPAT ng  Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang soft-shelled turtles sa Laguna Lake bilang solusyon laban sa pagkalat o pagdami ng knife fish.

It ang suhestiyon ni Isidro Mercado, DENR provincial officer nang malaman nito, na ang mga pagong (Pelodiscus sinensis) at kinakain ang itlog ng knife fish.

Kahit, aniya, ang mga pagong ay ikinokonsiderang “predators,” hindi naman ito makasasama sa marine species na lumalaki sa lawa dahil hindi sila kumakain ng isda.

Nauna rito, nababahala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) dahil sa presensya ng mga knife fish sa Laguna Lake.

Ang knife fish, na ornamental pero carnivorous species, ay kumakain ng native fish sa lawa, kaya nababawasan ang bilang ng nahuhuling mga tilapia at bangus (milkfish).

Pinayuhan ng dalawang ahensya ang mga mangingsida na sirain o wasakin ang itlog ng knife-fish na karaniwang nakikitang nakakapit sa mga bamboo posts ng mga fish pens para mahinto ang pagdami nila.

Sinabi naman ni Leah Villanueva, chief ng Inland Fisheries Research Station of BFAR sa rehiyon, na ang suhestiyon ng pagpapalaki ng mga pagong ay kailangan samahan ng research results bago maglagay ng foreign species sa ecosystem ng naturang lawa.

“In the case of Taal Lake, the fishermen complain about these turtles because they bite off and destroy the fish nets,” pahayag pa nito.

Idinagdag pa nito, na minomonitor ng BFAR at LLDA ang Laguna Lake at hinihintay pa ang resulta sa new water tests na ikinasa sa lawa.

Sinabi naman ni Neric Acosta, LLDA general manager, na ang fish kill na nagsimula noong ikalawang linggo ng Mayo ay nagresulta sa pagkalugi sa mga mangingisda ng mahigit sa 10,000 kilograms ng isda, na karamihan ay tilapia  na nagkakahalaga sa pagitan ng P2 milyon hanggang at P3 milyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply