Pagpapakawala ng tubig sa Ipo Dam inihinto na

INIHINTO na ang pagpapakawala ng tubig sa Ipo Dam makaraang humupa ang pagbuhos ng malakas na ulan sa Bulacan.

Nabatid na kahapon pa ng alas-12:30 ng tanghali isinara ng pamunuan ng dam ang gate nito dahil bumaba na ang tubig.

Kaninang alas-6:00 ng umaga ay nasa 99.95 meters na lamang ang level ng tubig nito, malayo sa spilling level na mahigit 100.8 meters.

Samantala, bumaba man ang level ng tubig sa La Mesa Dam na nasa 79.75 meters na lamang kaninang alas-6:00 ng umaga ay nananatili pa ring naka-red alert ang dam.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply