Pagpapalawig sa nominasyon ng CJ sa JBC hindi tinutulan ng Palasyo

Pagpapalawig sa nominasyon ng CJ sa JBC hindi tinutulan ng Palasyo

WALANG palag ang Malakanyang sa naging desisyon ng Judicial and Bar Council (JBC) na palawigin ang panahon ng pagtanggap ng nominasyon para sa susunod na Chief Justice ng Korte Suprema.

Para kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, ito na ang tamang panahon upang maibalik ang tiwala ng publiko sa hudikaturang sangay ng pamahalaan bukod pa sa binibigyan ng pagkakataon ang mga taga-korte na magpartisipa sa pag-nomina sa posibleng kandidato.

“The extension of the period of nomination will allow the public, civil society, academe, and others to have time to nominate individuals for consideration. What is at stake at the end of this exercise is for the JBC to present a list of meritorious nominees for the consideration of the President,” anito.

Naniniwala si Sec. Lacierda na ito na ang magsisilbing landmark ng pinagsamang puwersa at pagod ng lahat upang mapagtagumpayan ang judicial reform.

“As the recent decision of the Supreme Court (SC) indicates, a new era of transparency and accountability is dawning in the judiciary. The disclosure of personal SALNs and the financial operations of the SC, including its use of various funds, will already keep the administration determine the proper budgetary support for a reenergized SC to clean up the ranks of the judiciary with a view to speeding up the work of the courts,” aniya pa rin.

Sa ulat, pinalawig ng JBC ang panahon ng nominasyon at aplikasyon para sa binakanteng posisyon ng napatalsik na si dating Chief Justice Renato Corona.

Nakatakda sanang magtapos kahapon ang pagtanggap ng JBC ng nominasyon at aplikasyon pero pinalawig ito hanggang Hulyo 2, 2012, araw ng Lunes, dahil na rin sa dami ng nag-a-apply at nagno-nominate ng mga personalidad na kilala sa larangan ng law practice.

Sa kasalukyan ay umaabot na sa 29 ang nominees para sa chief justice post.

Kabilang sa mga nadagdag sina SC Associate Justice Estela Perlas-Bernabe na iminungkahi ng isang Gregorio Batiller at ikalawa si Prof. Soledad Cagampang na iminungkahi naman ng isang Juan Iluminado de Castro.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply