Pagpapalawig sa sesyon, pinag-aaralan na

IKINUKUNSIDERA ngayon ng liderato ng Kamara na palawigin pa ang sesyon hanggang sa Biyernes upang matalakay at pagbotohan ang mga mahahalagang panukalang batas.

Sa Huwebes, Hunyo 7 ay nakatakdang mag-adjourn na ang ikalawang sesyon ng 15th Congress at babalik pa sa huling Lunes ng Hulyo para sa State-of-the-Nation address ng Pangulo.

Sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na  makikipag-ugnayan ang Kamara sa Senado para sa planong ekstensyon upang mas maraming magawa ang mga mambabatas bago ang recess.

Noong mga nakalipas na sesyon, maraming panukalang batas ang naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa tulad ng Juvenile Justice Bill, Climate change Act at Magna Carta for the Poor.

Inaasahan na rin ang pagpapalusot sa sin tax bill o panukalang magpapataw ng mas mataas na buwis sa mga alak at sigarilyo.

Mula noong Enero hanggang sa huling linggo ng Mayo ay naging abala ang Kamara sa impeachment kung saan palaging walang korum sa mga nagdaang sesyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply