Pagpapatalsik kay Corona ibinida ni PNoy sa mga Pinoy sa UK

IBINIDA ni Pangulong Benigno Aquino III sa Filipino community sa London ang tagumpay ng pamahalaan na mapatalsik sa puwesto si dating Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Para sa Chief Executive, maganda ang nangyari kay Corona kung saan nakita ang pag-iral ng checks and balances sa gobyerno.

Aniya, malinaw ang mensahe ng impeachment trial para sa mga public servants na alalahaning sundin ang interes ng taongbayang pinagsisilbihan.

Nakatakda namang humarap ngayong alas-11 ng umaga, oras sa London, alas-7:00 naman ng gabi sa Manila, si Pangulong Aquino kay British Prime Minister David Cameron sa #10 Downing Street at sunod ang luncheon sa Lancaster House sa pangunguna ng London Mayor at saka ang pakikipagkita kay Duke of York Prince Andrew na siyang kumakatawan kay Queen Elizabeth na abala sa kanyang Diamond anniversary bilang reyna ng Inglatera.

“Maganda ho itong nangyari kay Corona, umiral ang tinatawag na checks and balances sa ating sistema, at siguro nagpapadala ng mensahe… public servant ako, kayo ang boss, kayo dapat ang nasusunod, all public employees should remember there is only one boss–the people,” ayon kay Pangulong Aquino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply