Pagpapatupad ng K+12 unti-unti– DepEd

TINIYAK ngayon ng Department of Education na unti-unti nilang ipatutupad ang K+12 program ng gobyerno kaya’t sa 2016 pa ito tuluyang maipatutupad nang buo para maihandang mabuti ang mga paaralan at guro.

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, noong isang taon nila sinimulang ipatupad ang pre-school at ngayong taon naman sisimulan ang unang batch ng Grade 1 na magtatapos sa Grade 7.

Matatandaang inulan ng problema ang pagsalubong sa bagong K+12 curriculum na inilatag ng DepEd.

Ayon sa ilang guro, hindi pa sapat ang kanilang paghahanda para ganap na ituro ang mga bagong subject sa ilalim ng K+12 program.

Ayon naman kay Luistro, ipatutupad nila ang K+12 upang ma-decongest ang mga subject na pilit ipinagsisiksikan sa bawat grade level.

Nais din umano nilang ipatupad ang pagtututro ng basic subjects gamit ang vernacular, o kung anong lenggwahe ang ginagamit ng mga bata, upang mas maintindihan ng mga estudyante ang kanilang inaaral.

Ani Luistro, kung maipatutupad ang K+12 program, hindi na kailangang umulit ng high school ang mga nag-aaral sa abroad.

Binatikos naman ito ni Gabriela Partylist Rep. Emmi de Jesus dahil binibigyan umano ni Luistro ng ‘false hope’ ang mga Filipino.

Anang lady solon, dinadagdagan lang ni Luistro ng problema ang mga eskwelahan dahil sa K+12 program.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply