Pagpapautang ng PHL sa IMF, kabaliwan – solon

MAITUTURING umanong isang kabaliwan ang gagawing pagpapautang ng administrasyong Aquino sa International Monetary Fund (IMF) ng $1 bilyon.

Iginiit ngayon ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na napakaraming higit na nangangailangan sa bansa na mapaglaanan ng pondo lalo pa’t umabot sa P5 Trilyon ang utang ng Pilipinas na dapat bayaran.

Sinabi pa ni Casiño na hindi man lamang natalakay ang naturang plano na ito sa budget deliberation ng Kamara kung saan tanging ang kongreso lamang ang may karapatan na maglaan ng ganitong kalaking halaga.

Tinukoy pa ng kongresista na aabot sa 700,000 small at medium enterprises sa bansa ang hirap kung saan kukuha ng puhunan.

Dapat aniyang ipautang na lamang sa mga maliliit na negosyante ang naturang pera para makatulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng mamamayan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply