Pagpapautang ng Pinas sa IMF, kinondena

KINONDENA ni ACT Teachers Partylist Antonio Tinio ang pagpapahiram ng Pilipinas sa International Monetary Fund (IMF) ng halagang P$ bilyon.

Tinukoy ng kongresista ang pinakahuling Reference Exchange Rate na inisyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang nasabing pledge ng Pilipinas ay umaabot sa P42.26 bilyon.

Ang kontribusyon aniyang ito ay para sa crisis prevention at resolusyon gayundin upang ipantapal sa pangangailangang pinansyal ng mga bansang miembro ng IMF particular sa bahagi ng Yuropa na nasa krisis ang ekonomiya sa ngayon.

“PNoy again displayed the utmost insensitivity to the education sector.  Our country pays its Kinder teachers P3,000 a month, and its  class sizes sometimes bulge to 70 students per classroom.  Our public school teachers are themselves drowning in debt because their salaries cannot keep up with the rising costs of living.  Why would our President extend loans to countries whose Kinder teachers are paid around five times more than ours receive, whose class sizes are sometimes 15 to a teacher?”

Iginiit ni Tinio na ang halagang P42.26 B ay maituturing na sanang 16.3 porcientong karagdagan para ipondo ng Department of Budget and Management (DBM) sa gastusin ng Department of Education sa 2013.

Malaking tulong din aniya ang halagang ito para pondohan ng gobyerno ang K+12 Program upang ito ay tuwirang maging epektibo at kagalingan ng mga guro at mag-aaral.

“Aquino gave up sufficient allocations for the Universal Kindergarten Education, including P4,453,070,980 for the regularization and bonuses of 20,000 Kinder teachers and about P23.6 B for 34,500 classrooms nationwide.”

Binatikos din ni Tinio ang tila kawalan ng pagmamalasakit ni Pangulong Aquino sa mga guro na sa halip na dagdagan ang sahod ay minabuti pang magpautang sa IMF at tulungan ang ekonomiya ng Yuropa.

Sa kabila ng suporta ng may 180 na kongresista sa Kamara, ang  House Bill 2142 o ang Public School Teachers’ Salary Upgrading Act na inihain ni Tinio ay nananatiling nakatenggaa sa House Committee on Appropriations noon pang September 20, 2010.

“In the hopes of raising investor confidence and inviting the US Federal Reserve to buoy our economy—unfounded speculations—PNoy again surrendered the future of Philippine education,” giit ni Tinio.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply