Pagpasa ng RH Bill malabo na

HINDI na maihahabol at matatapos pa ang interpelasyon sa kontrobersyal na Reproductive Health Bill dahil tatapusin na ngayong gabi ang sesyon ng Kamara.

Ngunit tiniyak ni House Speaker Feliciano Belmonte na sa pagbabalik ng sesyon sa July ay una ito sa mga tatalakayin.

Ang Senate Bill No. 2865 o RH bill na bersyon ng Senado ay naipasa.

Tiniyak naman ni Belmonte na isa sa mga pag-uusapan ay ang RH bill sa pagbabalik ng sesyon sa Hulyo kung saan tatalakayin ang mga natitira pang kongresista na nakasalang pa sa interpelasyon at kung ito ay maisusulong pa na maipasa bunsod nga ng sanga-sangang pananaw ng mga mambabatas tungkol dito.

Pansamantala ding nabinbin ang kongreso sa pagtuloy sa pagtalakay sa RH bill matapos matabunan ng impeachment trial sa senado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply