Pagpasok ni Ping sa Gabinete ni PNoy oks kay Mar

PABOR si Transportation and Communications Secretary Mar Roxas sa pagtatalaga ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa Gabinte ni Pangulong Benigno Aquino III

Kaugnay nito mariing pinabulaanan ni Secretary at Liberal Party President Manuel Roxas ang mga naglutangang balita na tutol siya sa pagpasok ni Lacson sa Gabinete ng Pangulo.

Unang umugong ang balita na itatalaga si Lacson sa isa sa mga ahensya tulad ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Bureau of Customs o hindi kaya’y bilang Anti-Crime Czar.

Giit ni Roxas, walang basehan ang mga naglabasang balita bagkus ay hinahangaan pa niya si Lacson bilang naging kasamahan nito sa Senado.

Malaki ang paniwala ni Roxas sa kakayahan ni Lacson na napatunayan na nito noong umupo siya bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) at bilang isang mambabatas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply