Pagpatay at pagnanakaw sa isang ginang sa QC nalutas na

NALUTAS na ng mga awtoridad ang pagpatay sa isang ginang na ninakawan na at pinaslang pa ng kanyang kasambahay nitong nakalipas na linggo matapos madakip ang suspek nitong nakalipas na Hunyo 18, 2012 (Lunes).

Kinilala ni Quezon City Police District director chief Supt. Mario Dela Vega ang nadakip na suspek na si Jeny Agacho, 27, binata.

Iniharap sa media ang suspek na si Agacho sa pagpatay sa kanyang amo na kinilalang si Carlota Amio, 34, ng No.2 Blk.56,  Lt.13, Regalado Ave. Corner Commonwealth Brgy. Greater Lagro, QC.

Ayon kay QCPD Criminal Investigatin and Detection Unit Chief Inspector Rodel Marcelo (QCPD-CIDU), nadakip ang suspek ng mga elemento ng Sorsogon PNP dakong 9:30 ng gabi nitong nakalipas na Hunyo 18,2012 sa isang check point ng bus sa Castilla, Sorsogon na nagresulta ng pagkakadakip ng suspek.

Sinabi sa ulat na suspek si Agacho sa pagpatay umano sa kanyang amo na naganap dakong 5:20 ng hapon nitong nakalipas na Hunyo 17, 2012 (Linggo) sa loob ng bahay ng biktima.

Sa pahayag ng mga witness na kapitbahay ng biktima huli nilang nakita ang biktima na kasama pa ang kanyang anak na si Justine Cedric, 5-anyos at kasambahay na nakilala sa pangalang Bingot.

Nakarinig na lamang sila na tila nagkakagulo sa loob ng bahay at napansin nila ang isang lalaki ang lumabas ng bahay ng biktima.

Saka natagpuan patay ang biktima na naliligo sa kanyang dugo at nawawala din ang mahahalagang gamit ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply