Pagpili ng bagong CJ babantayan ng SC employees

MAHIGPIT na babantayan ng mga empleyado ng Korte Suprema ang pagpili ng susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema.

Ito ay  sa harap ng banta ng mga kaalyado ni Pangulong Noynoy Aquino na posibleng may susunod pang mahistrado na maisalang sa impeachment proceedings.

Ayon kay Jojo Guerrero, Presidente ng Supreme Court Employees Association (SCEA), nakahanda silang suportahan ang sinomang mahaharap sa parehong hamon na pinagdaanan ni dating Chief Justice Renato Corona.

Ipinaliwanag ni Guerrero na bilang kawani ng hukuman, tungkulin nila na protektahan ang independensya ng hukuman.

Kasabay nito, inihayag ni Guerrero na susuportahan nila ang sinomang maitatalagang punong mahistrado basta’t manggagaling lamang sa loob ng kataas-taasang hukuman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply