Pagpili ng JBC sa magiging Chief Justice pinahihinto

DAPAT umanong itigil ng Judicial and Bar Council ang mga ginagawang deliberasyon sa pagpili ng papalit sa binakanteng pwesto ni dating Chief Justice Renato Corona.

Sa apat na pahinang liham ni Danilo Lihaylihay sa JBC, iginiit nito na hindi pa dapat pumili ng kapalit ni Corona hangga’t wala pang resolusyon ang Korte Suprema sa kanilang mga petisyon na kumukuwestyon sa impeachment laban sa dating Punong Mahistrado.

Kasabay nito, iginiit ni Lihaylihay na ang implementing rules and regulation ng Republic Act 6713 o ang batas patungkol sa Statement of Assets Liablities and Networth na ginamit na batayan sa pagpapa-impeach kay Corona ay hindi naka-publish sa official gazette ng National Printing Office.

Ginamit na batayan ni Lihaylihay ang naging desisyon ng Korte suprema noon sa Tanada et al vs. Tuvera et al na nakasaad na ang lahat ng batas kasama na ang IRR nito ay dapat mai-publish muna sa official gazette bago maging epektibo.

Kamakalawa ay inianunsyo ng JBC ang pormal na pagbubukas ng aplikasyon para sa posisyon ng pagka-Punong Mahistrado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply