Pagsasampa ng kaso vs Corona bahala ang BIR

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Bureau of Internal Revenue ang paghahain ng tax evasion charges laban kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na bahala na si BIR Commissioner Kim-Henares na himayin ang waiver na isinumite ni Corona sa Senate Impeachment Court.

Nauna rito, umapela si Senate President Juan Ponce-Enrile kay Pangulong Benigno Aquino III na huwag nang ituloy ang pagsasampa ng tax charges laban sa dating Punong Mahistrado.

Para kay Lacierda, walang dahilan para masamain ang hakbang na ito ng BIR dahil sila naman ang maaakusahan ng dereliction of duty kung hindi gagawin ang trabaho.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply