Pagsasapubliko ng Foreign Currency Deposits, isinusulong sa Kamara

ISINUSULONG na sa Kamara de Representante ang tuluyang pagsasapubliko ng foreign currency deposits ng   mga opisyal ng pamahalaan.

Sa inihaing House Bill No. 5840 nina Bayan Muna partylist Reps. Teddy Casiño at Neri Javier Colmenares, nais ng mga ito na maamyendahan ang ilang umiiral na batas ukol sa foreign deposits na nagiging batayan ng ibang opisyal sa gobyerno upang maitago ang kanilang yaman.

Pero paglilinaw ni Casiño, maaari lamang gamitin ang batas na ito kung ang sinisiyasat na usapin ay ukol sa hindi maipaliwanag na kayamanan.

Nakasaad sa panukala na amyendahan ang  Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa pagdetermina sa hindi maipaliwanag na yaman at lahat ng mga ari-arian  ng isang  opisyal sa gobyerno.

Ayon sa mga mambabatas, obligasyon ng isang public servant na ipabatid sa kinauukulan ang kaniyang mga ari-arian kaya makatwiran lamang umano ang ganitong mga panukala.

Ikinatwiran ng mga mambabatas na walang sapat na rason upang hadlangan ang pagsasapubliko ng mga local at foreign deposits ng mga opisyales ng gobyerno dahil kaakibat nito ang  pagtitiwalang ibinigay sa kanila ng publiko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply