Pagsusulong ng WHO ng aborsyon, maling mentalidad – Obispo

IGINIIT ng isang Obispo na maling mentalidad ang pagsusulong ng World Health Organization hinggil sa sinasabing safe abortion para sa laganap na pagpatay sa mga sanggol sa sinapupunan ng mga ina sa buong mundo.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – National Secretariat for Social Action  (CBCP-NASSA), maling mentalidad ito para sa pag-uugali at moralidad ng isang tao.

Sinabi ng Obispo na imbes na turuan at gabayan ang mamamayan ay magtuturo ito ng paggawa ng mali at kawalan ng respeto sa buhay .

Ito rin, aniya, ang dahilan kaya hindi maipasa ang RH bill dahil sa pagiging legal na ang abortion sa bansa.

Naninindigan ang Obispo na ang polisiya ng WHO para sa safe abortion ay krimen o pagpatay sa sanggol na nasa sinapupunan, kailanman hindi magiging makatao at hindi maging ligtas kaninuman.

Kaugnay nito, inirekomenda naman ng Obispo sa Department of Health (DOH) na ibasura  ang mentalidad ng WHO at pagtuunan ng pansin ang paglalaan ng sapat na pondo para sa pagpapatayo ng mga pampublikong pagamutan at pondo para sa libreng gamot at gamutan.

Ikinalulungkot at ikinagulat naman ni CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs chairman Caloocan Bishop Deogracias Iniguez ang panukala ng WHO na safe abortion bilang tugon sa patuloy na paglaki ng bilang o kaso ng abortion sa buong mundo.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply