Ombudsman: Pagsusumite ng SALN seryosohin

NAGPAALALA ngayon ang Office of the Ombudsman sa mga empleyado ng pamahalaan na seryosohin ang pagsusumite ng statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Ayon sa Ombudsman, nahatulang guilty ng Sandiganbayan noong Mayo 17 si Danilo Collantes, dating provincial engineer ng Rizal sa kasong two counts of violation sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Official and Employees, dahil sa kanyang pagkabigo na magsumite ng SALN para sa taong 2001 at 2002.

Pinagmulta si Collantes ng P5,000 sa bawat bilang ng kaso na may kasama pang pagkakakulong kung hindi siya nakapagbayad.

Batay sa RA 6713, obligado ang mga empleyado ng gobyerno, liban sa mga nanunungkulan nang “in temporary capacity,” laborers at casual o temporary workers, na magsumite ng SALN sa unang 30 araw ng kanilang panunungkulan, o bago dumating ang Abril 30 at sa loob ng 30 araw matapos silang magretiro.

Kung hindi umano nila ito gagawin ay maaaring makulong ang empleyado ng hindi lalagpas ng limang taon o multang P5,000 o parehas, at ipagbabawal na muling manungkulan sa gobyerno.

Matatandaang napatalsik si Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa posisyon dahil sa kulang na pagdedeklara sa kanyang SALN.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply