Pagsususpinde ng klase ipinauubaya sa lokal na pamahalaan

NASA lokal na opisyal na ang desisyon kung sususpindehin ang klase sa eskwela sa mga lugar na kanilang nasasakupan ngayong araw.

Ito ang ipinabatid ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) bunsod pa rin ng mga pag-ulang dala ng super bagyong Butchoy

Ayon sa Weather Bureau, malayo na ang distansya ng Super Typhoon Butchoy sa Pilipinas kaya wala nang itinaas na public storm signal warning sa alimang bahagi ng bansa.

Kaya walang dahilan ang PAGASA na magrekomenda ng suspensyon ng klase sa mga paaralan.

Subalit ang malakas na pag-ulan kagabi ay nagdulot ng mga pagbaha sa maraming bahagi ng Metro Manila kaya agad na nagsuspinde ng klase sa elementarya at sekondarya ang mga lokal na pamahalaan

Kabilang sa mga nagsuspinde ng kanilang klase sa elementarya at sekondarya ang lungsod ng Navotas dahil sa malakas na pag-ulan at mataas na level ng tubig sa mga paaralan at ilang lugar sa lungsod.

Nagsuspinde rin ng klase sa lahat ng level mula elementarya hanggang sekondarya ang Navotas City na inanunsiyo ni Navotas Mayor Reynaldo Tiangco.

Suspendido rin ang klase sa lungsod ng Marikina at ilang eskwelahan sa Quezon City.

Wala na ring pasok ang lahat ng level ng klase sa Bulacan.

Samantala ipinauubaya naman ng lokal na pamahalaan sa pamunuaan ng eskwelahan sa mga kolehiyo ang pag-anunsiyo ng suspension ng kanilang klase.

Sa Maynila, inianunsyo ni Mayor Alfredo Lim na may pasok sa kanilang mga paaralan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply