Pagsususpinde ng klase responsibilidad ng LGUs

RESPONSIBILIDAD ng local government units (LGUs) ang pagsususpinde ng klase batay sa kanilang assessment sa tuwing malakas ang buhos ng ulan o kapag walang itinaas na storm signal ang PAGASA kapag may bagyo.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na kailangan ayusin ng LGUs ang sistema upang maiiwas ang mga estudyante sa posibleng panganib na dala ng baha o masamang panahon.

“When it comes to areas where, for instance, it’s Signal No. 2, then obviously the high school and elementary classes are suspended. But it’s discretionary on the local government, for instance, if there is flooding in the area, if it is impassable, if circumstances would prevent the school from continuing their operations. And if the local government is aware of that, then the local government unit has the discretion to do so,” ayon kay Sec. Lacierda.

Sinabi rin ni Lacierda na ang pag-anunsyo ng city o municipal mayors ay kailangang gawin ng mas maaga bago pa makaalis ang mga mag-aaral o estudyante mula sa kani-kanilang mga tahanan para pumasok sa paaralan.

Bunsod ng malakas na pagbuhos ng ulan kagabi (Hunyo 17), sinuspinde ang klase sa ilang bahagi ng Metro Manila at Luzon.

Matatandaang may inilabas na bagong polisiya ang Department of Education kung saan inilipat nito ang pag-aanunsyo ng suspensyon ng klase sa LGUs.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply