Pagtatalo sa pagkatalo ni Pacman, lalaki kritikal

KRITIKAL ang isang lalaki matapos itong hatawin ng malaking tipak ng bato sa ulo matapos magtalo ang una at huli hingil sa maling desisyon ng referee ng labanang Manny Pacquiao at Timothy Bradley kaninang madaling araw sa Caloocan City.

Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng pinsala sa noo at kaliwang mata si Edgar Adren Florez, 22, ng Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Mabilis namang tumakas si Leopoldo Garcia, matapos maisagawa nito ang paghataw ng bato sa biktima.

Ayon sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw ng maganap ang isidente sa isang  basketball court sa nasabing lugar,

Nabatid, nag-iinuman ang ilang kalalakihan na kinabibilangan ng una at huli, nang kapwa malasing nagkaroon ng mainitang argumento hinggil sa maling disisyon ng hurado na ikinatalo ni Pambansang kamao hanggang  sa  humantong ito sa suntukan.

Talo sa suntukan ang huli kaya agad itong dumapot ng malaking tipak na bato at saka dalawang beses hinataw sa noo at sa mata ni Flores na agad ikinawalang malay nito na nakahandusay sa kalsada.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyong ng otoridad, at isang manhunt operation ang inilatag ng pulisya laban kay Garcia,

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply