Pagtutulak kay Solgen Jardeleza para maging CJ, pinabulaanan ng M’canang

PINABULAANAN ng Malakanyang na si Solicitor General Francis Jardeleza ang talagang nais na maupo ni Pangulong Benigno Aquino III bilang Chief Justice upang makontrol nito ang Korte Suprema at mapanatili nito sa pag-aari ng pamilya Aquino ang Hacienda Luisita sa Tarlac.

Ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, walang basehan ang alegasyon na ito dahil nakapagdesisyon na ang Korte Suprema sa isyu ng Hacienda Luisita at nakatakda namang ikasa ng executive branch ang desisyong ito.

“Una sa Luisita, the case is already finished. Valuation na lang pinag-uusapan dito,” ayon kay Usec. Valte.

Sa kabilang dako, pinayuhan naman nito ang mga militanteng grupo na dalhin sa Judicial and Bar Council (JBC), ang kanilang karaingan dahil dito aniya hinihimay ang short list para sa susunod na Chief Justice.

Subalit, sa ngayon ay hindi pa gumagawa ng depinidong listahan ng mga kandidato ang JBC.
“It is their (farmer’s groups) right to oppose any nomination, pero wala pang short list from the JBC,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, inilatag na ni Pangulong Aquino ang mga kuwalipikasyon para sa susunod na Chief Justice, kabilang na ang tinatawag na “probity, integrity, competence, at independence”.

“When the president says that, he means it. Ang hanap natin (the one we are looking for) is somebody who can represent the judiciary by way of a serious commitment to judicial reform and judicial independence,” ang pahayag ni Usec. Valte.

Napaulat na isiniwalat ng Anakpawis group na target talaga ni Pangulong Aquino na makopo ni Solicitor General Francis Jardeleza ang posisyon bilang Chief Justice upang di umano’y tangkain na maipanatili sa pag-aari ng Aquino-Cojuangco family ang Hacienda Luisita.

Si Jardeleza ay matagal ng senior vice president ng San Miguel Corp.  at sinasabing may malapit na ugnayan kay dating Ambassador at San Miguel Corp. boss Eduardo Cojuangco Jr., tiyuhin ni Pangulong Aquino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply